What if

“You could have loved me better if I had loved myself more” – he whispered.

Advertisements

Stuck in the moment

Written along blurred lines

Our story may have been.

Back and forth, my love

You cannot change what is deemed.

Heartless

You seem to be cold with me

Yet I know I was the one to blame.

I once was warm and happy

Now I’m heartless and in pain.

Free Time

It’s been a while since I’ve updated anything here in the blog. I’ve been having a hard time balancing my time for my day job, school and the blog. I’ve been wanting to write about so many things, so many places and food and so much more. I’ll make it up to you guys 🙂

I hope you have no problem with balancing your time too, set your priorities and plan ahead. A good way to achieve something is to have a plan.

Will be posting soon! Thank you & I love you ❤️

Ps, here’s what the beach after sunset looked like:

Love, Tim 🍉

Self Reminder 2.0

Mahigit dalawang taon na akong walang lovelife (yung serious na lovelife ha), I really don’t know why I’d always end up in a failed relationship. Oh, alam ko pala — me. So here I am desperate to find love kaya madali lang talaga akong kiligin kahit nagbabasa lang ng novels, facebook posts at even confessions and at some point I feel that romantic love might not just come today or later maybe never. Hindi ko talaga maiwasang mag-imagine, sana nangyari sakin yun, sana ganun ginawa ko, puro nalang sana, sana, lahat ng sana natutupad. Pero mukhang malabong mangyari yun kasi wala naman pong nagkakagusto sa akin at kung meron man, I always turn them down (medyo oa at harsh), or even rid of the thought na magiging kami. Kasi naging reserved na po kasi ako simula ng masaktan ako ng sobra-sobra, yung tipong ayaw mo nang bumangon sa bed mo kasi ang bigat-bigat ng damdamin mo, yung tipo ng sakit na nakakarinig ka lang ng love songs, iiyak-iyak kana, parang ang oa ko nung panahon na yun. Kaya ng nakapagmove-on ako (Hallelujah!) hindi na talaga ako nagpapadala sa mga crush-crush na yan, kahit aminin pa nila na may gusto sila sa akin, hinding hindi ko talaga kayang masuklian ang kanilang paghanga, sorry bes, hanggang friends lang talaga tayo.

PERO BES? MALI NAMAN YUN EH.

Kasi naranasan mo na dumaan sa posisyon nila, naranasan mong sabihin sa taong mahal mo ang tunay mong nararamdaman kahit alam mong sa huli, wala, bokya.

PERO MALI NAMAN BES, ANG IPILIT MO ANG SARILI MO, SA AYAW MO.

Kasi most of the time, may gusto ka sa kanya, siya naman may gustong iba, at may iba dyan na ikaw ag gusto pero ayaw mo, choosy ka bes, choosy ka — kasi magiging unfair ka naman sa kanya. Sabihin na natin na naging masaya siya kasi naging kayo pero bes, pag hindi mo talaga mahal, mararamdaman din niya yun. Magiging cold din siya pwera nalang kung magiging martyr siya, pero mali yun eh. I once read a quote that says “Love is when you consider someone else’s happiness over yours” but I think ito ang definition ng pagiging martyr kasi pag hindi kana masaya, hindi na yan relationship, isa na yang relationSHIT. Dapat, masaya ka, masaya siya, masaya tayong lahat.

SO HERE’S MY ADVICE TO MYSELF and to those na nakakarelate:

  • Maging open ka, i-consider mo ang feelings nila over yours but not to the point of becoming a martyr just to make other people happy. Remember, that life is short to be unhappy.
  • Don’t give them the impression that you like them too much to make them “partner material”. Minsan kasi bes, Ay! Most of the time pala. Dyan kasi nagsisimula ang lahat. Walang assuming kung walang nagbibigay motibo sa kanila na mag assume. Make your actions friendly but not to the point of being romantically friendly.
  • If ever this happens to you (again): Divert your attention to something else if hindi mo na talaga kaya. Nakakatulong kasi kapag may ginagawa ka kaysa mag mok-mok ka lang sa bed mo at makinig sa mga kanta ni Adele – ganda ng songs ni Adele, nakaka un-move-on kung baga. HAYSS
  • And lastly, mainlove ka sa tamang panahon at sa tamang tao. Lahat ng bagay may timing, hindi mo alam kung kalian pero kapag darating na yun, in that moment ma fe-feel mo na talaga, yung kakaibang feeling na hindi mo ma explain at mapapa “asdfghjkl” ka lang at ewan ko hindi ko pa na feel rin eh. Hehe.

You deserve someone that would reciprocate the love that you keep on giving.
Above all, they deserve to be happy as you deserve happiness.

Disclaimer: Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at nasulat ko to. #WalaPaAkongKain

Love, Tim

Nagmahal. Nasaktan, Nag move-on at Nag blogger.

Sino ba naman ang hindi nakaranas na ng heartbreak? Manhid lang at yung mga self denial ang mga nasasabi na hindi sila nakarasan ng ganun. Tao tayo, at lalong hindi talaga tayo BAGAY.

Siguro narasan mo ng mainlove sa isang tao na binigay mo na ang lahat, pera mo, oras mo, pati katawan mo muntik mo ng ibigay, pero wala eh, hindi mo alam kung manhid siya or hindi ka lang niya talaga type. Kung ako ang tatanungin mo? Oo naranasan ko nayun. Masakit talaga kasi di niya ako mahal, pero mas masakit kung pinaasa ka lang, pinagmukha ka pang tanga. Okay na sana yun kasi at first alam mo na hindi talaga kayo pero bakit ganun besh, pinaramdam niya na parang meron. PINARAMDAM NIYA besh. Sabi nga nila, “smart people are dumb when it comes to love” paano nga ba yun? Matalino ka nga pero bakit nagpakabobo ka sa kanya? Ang sakit besh, ang sakit sakit. Gusto mong mag move on kaso hindi mo magawa. Gusto mong kalimutan siya pero ayan siya nag pi-pm sayo sa fb, na block muna nag friend request kapa ulit. Tanga kana, walang hanggang nagpapakatanga sa kanya.

Paano ka nga ba mag move on?

Hinding hindi ka makakapag move on kasi nagrereply ka sa mga chat nya. Nagbabakasakali ka na baka sana, sana sabihin niya na mahal ka niya. Well, isa kang tanga. Drunk messages at texts nga, pinapatulan mo. Chat pa kaya? Hala lerd tanga ka talaga.

So eto ako ngayon nagbabakasakali na makamove on. Gusto mo malaman kung paano? HETO NA BESH:

  1. Seen mo lahat ng chat niya.
  2. Delete mo number niya.
  3. Iwasan mo ang mga bagay at gawain na maalala mo siya gaya ng pagkain ng spaghetti, pagpunta sa plaza, pagkain ng hotdog, paglalakad sa gitna ng ulan, pagkain ng siopao, pagpunta sa clubs, sa national bookstore, pagbasa ng libro, pag gawa ng assignments, pagliligo sa pool at marami pang iba. So paano nato? Iwas iwas paba din ba?
  4. Huwag kang makipagkita sa kanya kapag gusto niyang makipag kita sayo… destiny na ang bahala kung magkikita talaga kayo. Lintik na destiny na yan.
  5. DELETE mo lahat ng pictures meron kayo, selfies, groufies at shoefies, cut out mo na rin sya sa yearbook mo. HAHA
  6. Isauli mo lahat ng meron ka na pag mamay-ari niya, notebook niya, papel niya, scratch paper, shades, pati shirts isauli mo na rin.

Marami pa akong naiisip na ilagay dyan kaso mukhang useless eh kasi hindi ko naman kayang gawin.

You know what? Sa totoo lang. Hindi naman talaga mahirap mag move on kung hindi mo lang siya minahal. I once read a quote that says “pain makes it authentic”. Kung nagmahal ka lang naman handa kang masaktan, handa mong tanggapin na baka panandalian lang to at baka hindi talaga kayo. Wala namang masama kung mamahalin mo siya ng labis pa sa pagmamahal mo sa sarili mo, pero siguraduhin mo muna na pagnasaktan ka, marunong ka pa ring bumangon, magpatawad at eventually makalimot. Alam ko na hindi ganun kadali, pero kailangan eh. Kailan mong gawin yan para maging buo ka ulit. Because at the end of the day, kahit iniwan tayo, sinaktan, at pinaglaruan, at humugot na ng bonggang bonga ang pagiging buo natin ang makakatulong sa atin para maka move on at magparaya.

So ganun, hindi pa ako buo, hindi ko pa kayang mag move on.