Nagmahal. Nasaktan, Nag move-on at Nag blogger.

Sino ba naman ang hindi nakaranas na ng heartbreak? Manhid lang at yung mga self denial ang mga nasasabi na hindi sila nakarasan ng ganun. Tao tayo, at lalong hindi talaga tayo BAGAY.

Siguro narasan mo ng mainlove sa isang tao na binigay mo na ang lahat, pera mo, oras mo, pati katawan mo muntik mo ng ibigay, pero wala eh, hindi mo alam kung manhid siya or hindi ka lang niya talaga type. Kung ako ang tatanungin mo? Oo naranasan ko nayun. Masakit talaga kasi di niya ako mahal, pero mas masakit kung pinaasa ka lang, pinagmukha ka pang tanga. Okay na sana yun kasi at first alam mo na hindi talaga kayo pero bakit ganun besh, pinaramdam niya na parang meron. PINARAMDAM NIYA besh. Sabi nga nila, “smart people are dumb when it comes to love” paano nga ba yun? Matalino ka nga pero bakit nagpakabobo ka sa kanya? Ang sakit besh, ang sakit sakit. Gusto mong mag move on kaso hindi mo magawa. Gusto mong kalimutan siya pero ayan siya nag pi-pm sayo sa fb, na block muna nag friend request kapa ulit. Tanga kana, walang hanggang nagpapakatanga sa kanya.

Paano ka nga ba mag move on?

Hinding hindi ka makakapag move on kasi nagrereply ka sa mga chat nya. Nagbabakasakali ka na baka sana, sana sabihin niya na mahal ka niya. Well, isa kang tanga. Drunk messages at texts nga, pinapatulan mo. Chat pa kaya? Hala lerd tanga ka talaga.

So eto ako ngayon nagbabakasakali na makamove on. Gusto mo malaman kung paano? HETO NA BESH:

  1. Seen mo lahat ng chat niya.
  2. Delete mo number niya.
  3. Iwasan mo ang mga bagay at gawain na maalala mo siya gaya ng pagkain ng spaghetti, pagpunta sa plaza, pagkain ng hotdog, paglalakad sa gitna ng ulan, pagkain ng siopao, pagpunta sa clubs, sa national bookstore, pagbasa ng libro, pag gawa ng assignments, pagliligo sa pool at marami pang iba. So paano nato? Iwas iwas paba din ba?
  4. Huwag kang makipagkita sa kanya kapag gusto niyang makipag kita sayo… destiny na ang bahala kung magkikita talaga kayo. Lintik na destiny na yan.
  5. DELETE mo lahat ng pictures meron kayo, selfies, groufies at shoefies, cut out mo na rin sya sa yearbook mo. HAHA
  6. Isauli mo lahat ng meron ka na pag mamay-ari niya, notebook niya, papel niya, scratch paper, shades, pati shirts isauli mo na rin.

Marami pa akong naiisip na ilagay dyan kaso mukhang useless eh kasi hindi ko naman kayang gawin.

You know what? Sa totoo lang. Hindi naman talaga mahirap mag move on kung hindi mo lang siya minahal. I once read a quote that says “pain makes it authentic”. Kung nagmahal ka lang naman handa kang masaktan, handa mong tanggapin na baka panandalian lang to at baka hindi talaga kayo. Wala namang masama kung mamahalin mo siya ng labis pa sa pagmamahal mo sa sarili mo, pero siguraduhin mo muna na pagnasaktan ka, marunong ka pa ring bumangon, magpatawad at eventually makalimot. Alam ko na hindi ganun kadali, pero kailangan eh. Kailan mong gawin yan para maging buo ka ulit. Because at the end of the day, kahit iniwan tayo, sinaktan, at pinaglaruan, at humugot na ng bonggang bonga ang pagiging buo natin ang makakatulong sa atin para maka move on at magparaya.

So ganun, hindi pa ako buo, hindi ko pa kayang mag move on.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s